FM ng Tsina at Norway, nag-usap

2024-02-06 16:07:46  CMG
Share with:

Nag-usap Pebrero 5, 2023, dito sa Beijing, si Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at kanyang counterpart na si Espen Barth Eide ng Norway.

 


Buong pagkakaisang sinang-ayunan ng dalawang panig ang pagsasagawa ng serye ng pagdiriwang para sa ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Norway, pahigpitin ang pagpapalitan ng dalawang bansa sa mataas na antas, patuloy na palalimin ang aktuwal na kooperasyon sa iba’t ibang larangan, at pasulungin ang pagpapadali ng pagpapalitan ng mga tauhan, kapit-bisig na itaguyod ang multilateralismo at malayang kalakalan, at palakasin ang kooperasyon sa pagharap sa mga komong hamong tulad ng pagbabago ng klima, at pangangalaga sa biodibersidad.

 

Malaliman ding nagpalitan ng kuru-kuro ang dalawang panig tungkol sa situwasyon sa Gitnang Silangan.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil