Wang Yi, kinatagpo ni Princess Maha Chakri Sirindhorn ng Thailand

2024-01-29 17:55:56  CMG
Share with:

Bangkok — Sa pagtatagpo, Enero 28, 2024 (lokal na oras), nina Prinsesa Maha Chakri Sirindhorn ng Thailand at Wang Yi, Miyembro ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Ministrong Panlabas ng Tsina, ipinabatid ng panig Tsino ang malugod na pagbati mula kay Pangulong Xi Jinping para kay Haring Maha Vajiralongkorn.

 


Ani Wang, mataas ang pagpapahalaga ng Thai Royal Family sa pagkakaibigan ng dalawang bansa, at sa bagong sitwasyon, umaasa ang Tsina, na patuloy na magbibigay ng bagong ambag ang maharlikang pamilya sa pagpapaunlad ng pagkakaibigang Sino-Thai.

 

Ang susunod na taon ay ika-50 anibersaryo ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa, kaya naman sinabi ni Wang na handa ang kanyang bansa upang panatilihin ang ugnayan ng mga pinuno ng Tsina at Thailand, palakasin ang pagpapalitang tao-sa-tao, at pasulungin ang komprehensibo’t estratehikong partnership sa bagong antas.

 


Sinabi naman ni Prinsesa Maha Chakri Sirindhorn, na lubos niyang pinahahalagahan ang pagkakaibigan sa Tsina.

 

Umaasa rin aniya siyang mapapalakas ang ugnayan ng dalawang bansa sa lahat ng larangan, at maitataguyod ang mga kooperasyong gaya ng edukasyon, tradisyunal na medisina, agham, at kalawakan.

 

Salin: Siyuan Li


Pulido: Rhio