2024 Spring Festival Gala: Palabas ng Sinaunang Padrong Brokado

2024-02-09 21:26:07  CMG
Share with:


Ngayong araw, Pebrero 9, 2024 ay bisperas ng Pestibal ng Tagsibol o Chinese New Year sa kalendaryong Tsino.

 

Alas-8:00 ngayong gabi, nagsimula ang 2024 Spring Festival Gala na hatid ng China Media Group (CMG).

 

Mapapanood sa apat na oras na taunang pagtatanghal ang awit, sayaw, dula-dulaan, opera,  akrobatika, at iba pa.

 

Tampok sa Palabas ng Sinaunang Padrong Brokado ang integrasyon ng tradisyonal na kultura at bagong teknolohiya.

 

Sa palabas na ito, makikita ang maraming padrong tradisyonal mula sa telang brokado ng mga dinastiya ng sinaunang Tsina.

 

Ginuhit ang mga ito ng 93 taong gulang na si Ginang Chang Shana, mananaliksik sa Mogao Grottos sa Dunhuang, lalawigang Gansu, sa dakong kanluran ng Tsina. Ang lahat ng dibuho ay sumisimbolo sa magagandang hangarin ng kaligayahan at kasaganaan.  

 

Salin/Edit: Jade