CMG 2024 Spring Festival Gala, pinanood ng halos 680 milyong tao

2024-02-10 18:09:25  CMG
Share with:

 

Idinaos kagabi, Pebrero 9, 2024, bisperas ng Spring Festival, ang 2024 Spring Festival Gala ng China Media Group (CMG).

 

Isinahimpapawid ito sa mga TV at radio channel, pati mga new media platform ng CMG.

 


Bilang di-mawawalang bahagi ng selebrasyon ng mga Tsino ng Pestibal ng Tagsibol o Chinese New Year, ang mahigit sa apat na oras na gala ay sinimulan alas-8 kagabi, at tumagal sa araw ng Bagong Taon.

 


Ikinasiya ng mga manonood ang mga awit, sayaw, dula-dulaan, opera, akrobatika, at iba pa, na nagdulot sa kanila ng mainam na atmospera ng kapistahan.

 


Sa taong ito, lumahok sa mga palabas kasama ng mga alagad ng sining ang mga karaniwang tao, na gaya ng mga kusinero, retiradong teknisyan, pulis, atleta, astronaut, mananaliksik, arkeologo, at iba pa.

 


Ang Beijing ay main venue ng gala, at ang apat na sub-venue ay matatagpuan sa mga lunsod na Shenyang, Xi’an, Kashgar, at Changsha.

 


Ayon sa di-kumpletong estadistika, umabot sa halos 680 milyon ang bilang ng mga manonood ng CMG 2024 Spring Festival Gala, na lumaki ng mahigit sa 12% kumpara sa nagdaang taon. Kabilang dito, pinanood ng 250 milyong tao ang gala sa mga mobile device, na mas malaki ng halos 38% kumpara sa nagdaang taon.


 

Samantala, ang gala ay isinahimpapawid o ini-kober ng mahigit 2,100 media ng 200 bansa at rehiyon ng daigdig. 210 milyon ang bilang ng panonood nito sa ibayong dagat.


Editor: Liu Kai