Turistang Tsino, tinatayang makagagawa ng mahigit 6 na bilyong domestikong paglalakbay sa 2024

2024-02-12 17:26:58  CMG
Share with:

Ayon sa pinakahuling ulat ng China Tourism Academy, tinatayang makagagawa ang mga turistang Tsino ng mahigit 6 na bilyong domestikong paglalakbay sa taong 2024, at lalampas ng 260 milyon ang pinagsama-samang bilang ng mga internasyonal na paglalakbay ng turista sa loob at labas ng bansa.

 

Ang naturang ulat, na kinabibilangan ng isang pagsusuri sa pagganap ng turismo ng Tsina noong 2023 at pagtaya sa 2024, ay nagpapakita ng makabuluhang pagbangon sa sektor ng turismo noong nakaraang taon.

 

Ayon sa ulat, ang domestikong turismo sa Tsina noong 2023 ay nakakita ng kahanga-hangang taon-sa-taong paglago ng higit 100% ng parehong kita at bilang ng mga turista, na bumalik higit 80% ng lebel ng 2019.

 

 

Salin:Sarah

Pulido:Rmail