Mga lider ng ibang bansa, ipinaabot ang pagbati para sa Pestibal ng Tagsibol ng Tsina

2024-02-12 17:30:28  CMG
Share with:

Ipinadala ng mga lider ng ibang bansa ang kanilang pagbati sa mga mamamayang Tsino at overseas Chinese sa buong daigdig na nagdiriwang ng Chinese Lunar New Year, o Pestibal ng Tagsibol.

 

Ipinaabot, Sabado sa wikang Tsino, sa social media ni Emmanuel Macron, Pangulo ng Pransya, ang kanyang basbas para sa pagdiriwang ng Pestibal ng Tagsibol.

 

Sinabi ni Macron na binati niya ang mga kaibigan sa buong mundo na nagdiriwang ng Lunar New Year ng isang maligayang bagong taon, mabuting kalusugan at lahat ng kasiyahan.

 

Sinabi din ni Punong Ministrong Srettha Thavisin ng Thailand sa kanyang social media na binabati niya ang mga Thai at Tsino ng isang masayang at masaganang Bagong Taon.

 

Ipinaabot din ang mga pagbati mula sa mga lider ng Timog Aprika, Hapon, Austria, Fiji at ibang bansa, at namamahalang tauhan ng United Nations World Tourism Organization (UNWTO), Islamic World Educational, Scientific and Cultural Organization (ICESCO) at ibang pandaigdigang organisasyon.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil