CMG Komentaryo: Panunumbalik ng kabuhayang Tsino, kita sa konsumo sa Pestibal ng Tagsibol

2024-02-19 16:22:57  CMG
Share with:

Sa katatapos na 8-araw na bakasyon ng Pestibal ng Tagsibol, o Bagong Taong Tsino, masiglang-masigla ang merkado ng konsumo ng Tsina: mahigit 474 milyong domestikong biyahe ang ginawa ng mga Tsino, at nasa 632.6 bilyong yuan (mga 88.88 bilyong dolyares) ang ginasta sa domestikong merkado.

 


Samantala, umabot naman sa higit 13.5 milyon ang mga tawid-hanggahang biyahe sa buong bansa; at higit sa 8 bilyong yuan (mga 1.13 bilyong dolyares) ang kita sa movie box office ng Tsina sa bakasyong ito, na naging bagong rekord sa kasaysayan.

 

Ang lahat ng ito ay nagbukas ng magandang kabanata sa kabuhayang Tsino ngayong Taon ng Loong o Taon ng Dragon.

 

Hinggil dito, itinuturing ng Ministri ng Komersyo ng Tsina ang 2024 bilang “taon ng pagpapasulong sa konsumo,” at para rito, itataguyod ang isang serye ng mga kampanya.

 

Sa ilalim ng suporta ng multipleng polisya, walang humpay na pinapasigla ang nakatagong lakas ng konsumo ng Tsina, at tuluy-tuloy na ini-ooptimisa ang estruktura ng konsumo.

 

Kasabay ng paglakip sa Pestibal ng Tagsibol sa floating holiday ng United Nations (UN), halos 1/5 ng populasyon ng buong mundo ang nagdiriwang ng Lunar na Bagong Taong Tsino, sa pamamagitan ng magkakaibang porma.

 

Salamat sa mga paborableng polisyang gaya ng mga mutual visa-free policy, pagkakaloob ng ginhawa sa custom clearance, at pagpapanumbalik ng mga linya ng abiyasyon, mabilis na napapanumbalik ang tawid-hanggahang paglalakbay.

 

Ayon sa datos ng mga platapormang panturista, mahigit 1,700 lunsod sa buong mundo ang tumanggap ng mga turistang Tsino, nitong bakasyon ng Pestibal ng Tagsibol.

 

Ito ay magandang balita para sa sektor ng turismo sa nasabing mga bansa.

 

Sa kabila ng iba’t-ibang hamon, hindi nagbabago ang pangmalayuang batayan ng pagbuti ng kabuhayang Tsino.

 

Sa taong 2024, tuluy-tuloy na bubuti at lalago ang kabuhayang Tsino, at pasisiglahin din nito ang kabuhayang pandaigdig.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio