Palakasin ang kakayahan sa yamang lupa para maigarantiya ang de-kalidad na pag-unlad - Xi Jinping

2024-02-20 14:15:14  CMG
Share with:

Idiniin kahapon, Pebrero 19, 2024 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na dapat pahusayin ang kakayahan sa yamang lupa para maigarantiya ang de-kalidad na pag-unlad ng mga rehiyon na may bentaheng kompetatibo at ibayo pang pataasin ang kakayahan ng mga nakabababang yunit sa pagharap sa mga biglaang pangyayari.


Winika ito ni Xi sa ika-4 na pulong ng central commission for deepening overall reform ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).


Sinuri at pinagtibay ng pulong na ito ang plano ng pamamatnubay sa reporma ng sistemang administratibo ng lupa, pagpapasulong ng pagbabago ng kabuhayan at lipunan ng bansa tungo sa berdeng pag-unlad, pagpapalakas ng kakayahan ng mga nakabababang yunit sa pagharap sa mga biglang pangyayari, at pagpapabilis ng pagbalangkas ng pundamental na sistema sa pagsuporta sa inobasyon.


Bukod dito, pinagtibay ng pulong na ito ang ulat sa trabaho ng komisyon sa taong 2023 at pangunahing target ng mga gawain sa taong 2024.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil