Pandaigdigang sistema, pangangalagaan ng Tsina

2024-02-21 16:10:47  CMG
Share with:

Ipinahayag, Pebrero 20, 2024, sa pulong ng United Nations (UN), ni Dai Bing, Pangalawang Pirmihang Kinatawang Tsino sa UN na, ang daigdig ay pumasok sa bagong panahon ng kaguluhan at pagbabago.

 

Sa harap ng walang katulad na pandaigdigang hamon, kailangan aniyang isakatuparan ng komunidad ng daigdig ang totoong multilateralismo, pangalagaan ang pandaigdigang sistemang may nukleong UN, at pabutihin ang kaayusan ng pandaigdigang batas at pundamental na prinsipyo ng internasyonal na relasyon sa pundasyon ng Karta ng UN.

 

Ani Dai, ang “pangangalaga sa kapayapaan at kaligtasan ng daigdig” ay isa sa mga layon ng UN, at bilang isa sa mga bansang signataryo ng Karta ng UN, palaging nananangan ang Tsina sa patakarang panlabas na nangangalaga sa kapayapaan ng daigdig at nagpapasulong sa komong pag-unlad, at pagsasakatuparan ng Global Security Initiative sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon.

 

Sa mula’t mula pa’y pinahahalagahan ng Tsina ang pundamental na prinsipyo ng Karta ng UN sa mapayapang paglutas sa mga alitan, at pagresolba sa mga di-pagkakaunawaan ng mga bansa sa pamamagitan ng diyalogo, dagdag niya.

 

Gaganap aniya ng positibong papel ang Tsina sa maiinit na isyung panrehiyon at pandaigdig sa pamamagitan ng obdyektibo at makatuwirang paninindigan.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio