Sangsyon ng Amerika sa mga kompanyang Tsino, kinondena ng Tsina

2024-02-26 17:45:53  CMG
Share with:

Kaugnay ng pagpapataw ng sangsyon kamakailan ng Amerika sa mga kompanyang Tsinong di-umano’y “may kinalaman sa Rusya,” ipinahayag ngayong araw, Pebrero 26, 2024, ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na ang aksyon ito ay unilateral, at nagpapakita ng “long arm jurisdiction” at economic coercion ng Amerika.

 

Ito ay sumisira sa regulasyon ng pandaigdigang kabuhayan at kalakalan, at katatagan at kaligtasan ng industrial chain at supply chain, anang ministri.

 

Ipinahayag din ng nasabing tanggapan ang matatag na pagtutol, at sinabing isasagawa ng Tsina ang kinakailangang hakbangin para mapangalagaan ang lehitimong karapatan ng mga kompanyang Tsino.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio