Work report ng CCDI, isinapubliko

2024-02-26 15:24:17  CMG
Share with:

Isinapubliko, Pebrero 25, 2024 ng Ika-20 Central Commission for Discipline Inspection (CCDI) ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ang taunang work report.

 

Tampok ng ulat ang pagpapasulong ng de-kalidad na pag-unlad sa inspeksyon ng disiplina at pagsusuperbisa ng Partido, pagbabalik-aral sa gawain ng CCDI noong 2023, at pagbalangkas sa mga pangunahing target sa taong 2024.

 

Ang ulat na ito ay inilahad, Enero 8, 2024, sa ika-3 sesyong plenaryo ng CCDI ni Li Xi, Miyembro ng Pirmihang Komite ng Pulitburo ng CPC at Kalihim ng CCDI.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio