Seremonya ng pagdiriwang sa ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng APCU, idinaos

2024-02-27 15:34:23  CMG
Share with:

Idinaos kahapon, Pebrero 26, 2024 sa Manila, Pilipinas ang seremonya ng  pagdiriwang sa ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng Association for Philippines-China Understanding (APCU).

 

Sa seremonya, ipinahayag ni Embahador Huang Xilian ng Tsina sa Pilipinas, na ang APCU ay mahalagang tulay ng mapagkaibigang pagpapalitan at pagtutulungan ng Tsina at Pilipinas.

 

Tinukoy ni Huang na sa kasalukuyan, kinakaharap ng relasyong Sino-Pilipino ang mga hamon at kailangang gumanap ang APCU ng aktibong papel para lalo pang palalimin ang pag-uugnayan at pagkaunawaan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.

 

Kaugnay nito, umaasa si Huang na patuloy na igigiit ng APCU ang paninindigan ng pagkakaibigan ng Tsina at Pilipinas, isasagawa ang mas maraming aktibidad ng pagpapalitang tao-sa-tao at palalawakin ang saklaw ng pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.

Sa kanya namang video speech, ipinahayag ni Gloria Macapagal Arroyo, dating pangulong Pilipino at tagapangulong pandangal ng APCU, na ang pagpapalitan ng mga mamamayan ng Pilipinas at Tsina ay napakahalaga para sa pagpapasulong ng pagkakaibigan ng dalawang bansa.

 

Umaasa aniya siyang patuloy na magsisikap ang APCU para bigyan ng mas malaking ambag ang pagkakaunawaan at kapayapaan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.

Bumati si Senador Christopher "Bong" Go ng Pilipinas sa mahalagang ambag ng APCU para sa pagpapasulong ng pagkakaibigan ng dalawang bansa.

 

Aniya, ang mga pagkakaiba ng dalawang bansa ay malayo sa buong ugnayan ng relasyong Sino-Pilipino, mayroong komong kapakanan at may kakayahan din na palaguin ang partnership.

 

Dumalo sa seremonya ang mahigit 300 panauhin mula sa iba’t ibang sektor ng Tsina at Pilipinas.

Salin: Ernest

Pulido: Ramil