Ipinahayag Pebrero 29, 2024 ni Xing Huina, Tagapagsalita ng Konseho ng Estado, Gabinete ng Tsina na noong taong 2023, hinawakan ng mga departamento ng pamahalaang sentral ang 12480 mungkahi at panukala na iniharap ng mga deputado ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC) at mga miyembro ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC).
Kabilang sa nabanggit na mga mungkahi at panukala, 7955 mungkahi ay iniharap ng mga deputado ng NPC na katumbas ng 95.7% ng lahat ng mga mungkahi ng NPC. 4525 panukala naman ay iniharap ng mga miyembro ng CPPCC na katumbas ng 96.5% ng lahat ng mga panukala ng CPPCC.
Sinabi ni Xing na batay sa mga 4700 mungkahi at panukala, binalangkas ng mga departamento ng pamahalaang Tsino ang mahigit 2000 patakaran para pasulungin ang de-kalidad ng pag-unlad ng kabuhayan at pabutihin ang pamumuhay ng mga mamamayang Tsino.
Ang NPC ay punong lehislatura ng Tsina samantalang ang CPPCC ay punong organong tagapayo ng bansa.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil/Jade