Iminungkahing agenda para sa taunang sesyon ng kataas-taasang organo ng tagapayong pulitikal ng Tsina, inilabas

2024-03-01 16:12:53  CMG
Share with:

Inilabas Biyernes, Marso 1, 2024 ang pangunahing iminungkahing agenda para sa gaganaping ika-2 sesyon ng Ika-14 na Pambansang Komite ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), kataas-taasang organo ng tagapayong pulitikal ng bansa.

 

Ayon sa desisyong ginawa sa isang pulong ng Pirmihang Komite ng Pambansang Komite ng CPPCC, bubuksan, Marso 4, sa Beijing ang ika-2 sesyon ng Ika-14 na Pambansang Komite ng CPPCC.

 

Ang iminungkahing agenda ng nasabing sesyon ay kinabibilangan ng pagdinig at pagsusuri sa ulat sa trabaho ng Pirmihang Komite ng Pambansang Komite ng CPPCC, at isang ulat hinggil sa tamang paghawak ng mga mosyon ng mga tagapayong pulitikal sapul noong nagdaang sesyon.

 

Dadalo rin ang mga kagawad ng Pambansang Komite ng CPPCC sa ika-2 sesyon ng Ika-14 na Pambansang Kongresong Bayan (NPC), para pakinggan at talakayin ang mga dokumentong gaya ng ulat sa trabaho ng pamahalaan, ayon sa agenda.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil