CCG: Bapor ng Pilipinas, iligal na pumasok sa karagatan ng Renai Jiao

2024-03-05 15:42:21  CMG
Share with:

Ipinahayag ngayong araw, Marso 5, 2024 ni Gan Yu, Tagapagsalita ng China Coast Guard (CCG), na sa parehong araw, taliwas sa mga pangako nito, lantarang ipinadala ng Pilipinas ang dalawang bapor ng Coast Guard at iba pang dalawang bapor na pangkargamento, para iligal na pumasok sa karagatan ng Renai Jiao sa South China Sea (SCS) at maghatid ng mga suplay sa nakasadsad na BRP Sierra Madre.


Saad ni Gan na batay sa batas at sa pagsasaalang-alang sa makataong pangangailangan, pinayagan ng CCG ang paglalayag sa Renai Jiao ng isang bapor na may lulang pangunahing pangangailangan at hinadlangan ang iba pang mga bapor. Ang aksyon ng panig Tsino aniya ay istandard at propesyonal.


Tinukoy ni Gan na ang bapor ng Philipine Coast Guard na may numerong 4407 ay nagbulag-bulagan sa paulit-ulit na alerto ng panig Tsino at sinadyang bungguin ang bapor ng CCG na may numerong 21555, na nagresulta sa isang maliit na gasgas.


Ani Gan, ang aksyon ng Pilipinas ay mapanganib at lumabag sa International Regulations for Preventing Collisions at Sea.


Kaya ang Pilipinas ay naging responsible sa mga resulta na dulot nito, dagdag ni Gan.


Inulit ni Gan na palagian at matatag na tinutugunan ng CCG ang anumang aksyon ng probokasyon at pagkapinsala sa karapatan ng Tsina para pangalagaan ang pambansang teritoryo, soberanya at karapatang pandagat.


Salin: Ernest

Pulido:Ramil