Ipinahayag ngayong araw, Pebrero 23, 2024 ni Gan Yu, Tagapagsalita ng China Coast Guard (CCG), na mula Pebrero 22 hanggang 23, nagbulag-bulagan ang bapor ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ng Pilipinas na may numerong 3002 sa pagpayo at alerto ng panig Tsino na ilegal na pumasok sa karagatan sa paligid ng Huangyan Island ng Tsina.
Dahil dito, isinagawa aniya ng CCG ang mga hakbangin para palayasin ang nabanggit na bapor.
Ani Tagapagsalita, ang mga hakbangin ng panig Tsino ay alinsunod sa mga pamantayan at batas.
Bukod dito, sinabi niyang ang aksyon ng panig Pilipino ay malubhang nakapinsala sa soberanya ng Tsina at lumalabag sa pandaigdigang batas at pundamental na prinsipyo ng pandaigdigang relasyon.
Inulit niyang patuloy na isasagawa ng CCG ang mga aksyon ng pagpapatupad ng batas sa karagatan ng Tsina para matatag na pangalagaan ang pambansang soberanya at karapatang pandagat.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil