Teknolohikal na inobasyon, tulong sa makabagong kalidad na produktibong puwersa

2024-03-06 16:03:41  CMG
Share with:

Sinabi, Marso 5, 2024 ni Yin Hejun, Ministro ng Agham at Teknolohiya ng Tsina, na ang inobasyong teknolohikal ay hindi lamang magpapalakas sa  kakayahang kompetetibo ng mga tradisyonal na industriya ng Tsina, kundi maglalatag din ng matibay na pundasyon para sa pag-unlad ng makabagong kalidad na produktibong puwersa.

 


Aniya, ginawa na ng Tsina ang teknolohikal na imbensyon sa quantum technology, integrated circuit, artificial intelligence, biomedicine at new energy sector; at noong nakaraang taon, naging mabuti ang paglaki ng pagluluwas ng “3 bagong produkto,” na gaya ng bagong enerhiyang sasakyan, bateryang lithium, at photovoltaic modyul.

 

Isina-operasyon din ng Tsina ang kauna-unahang ika-apat na henerasyon ng nuclear power plant sa buong daigdig; at sinimulan ang komersyal na pagsasaoperasyon ang C919, sariling-gawang malaking pampasaherong eroplano ng Tsina, aniya pa.

 

Dahil aniya sa naturang mga bunga, 950,000 kontratang panteknolohiya ang nilagdaan noong 2023, at umabot sa 6.15 trillion yuan ($854.4 billion) ang naging transaction value, na 28.6 % mas malaki kumpara sa nakaraang taon.

 

Samantala, ang pamumuhunan ng Tsina sa pananaliksik at pag-unlad ay lampas naman sa 3.3 trilyon gyuan RMB  ($458.5 billion), na lumaki ng 8.1% kumpara sa nakaraang taon, dagdag ng ministro.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio