Dumalo, Marso 6, 2024, ang mga lider ng Tsina na kinabibilangan nina Li Qiang, Zhao Leji, Wang Huning, Cai Qi, Ding Xuexiang at Li Xi, sa deleberasyon ng Ika-2 Sesyon ng Ika-14 na Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC) at talakayan ng mga grupo sa Ika-2 Sesyon ng Chinese People's Political Consultative Conference (CPPCC).
Sa deliberasyon ng delegasyon ng Guangdong sa NPC, ipinahayag ni Premyer Li Qiang ng Tsina, na dapat nangunguna ang Guangdong sa pagpapasulong ng modernisasyong Tsino.
Sa pagtalakay naman kasama ang mga kinatawan ng CPPCC mula sa sektor ng kabuhayan at agrikultura, sinabi ni Li na dapat buong sikap na pasulungin ang inobasyon ng mga kagamitang pampolisya at pagkokoordinahan sa pagitan ng mga pakataran, pasiglahin ang pangangailangang panloob, hubugin ang bagong puwersa ng paglaki at bentahe, at pataasin ang kompetetibong kakayahan ng kadena ng suplay at industriya.
Sa kanyang pagdalo sa talakayan ng grupo ng mga kinatawan ng CPPCC galing sa Hong Kong at Macao, ipinahayag ni Ding Xuexiang, Pangalawang Premyer Tsino, na sinusuportahan ng sentral na pamahalaan ang pagpapatupad ng lehislasyon sa Article 23 of the HKSAR Basic Law sa malapit na hinaharap.
Idiniin ni Ding na dapat pabutihin ang mga sistema at mekanismo ng Macao sa paggaranitya ng pambansang seguridad, at matatag at sustenableng isakatuparan ang prinsipyong “isang bansa, dalawang sistema.”
Salin: Ernest
Pulido: Rhio