Pagpapalalim ng reporma para palakasin ang estratehikong kakayahan sa mga bagong sibol na larangan, ipinagdiinan ni Xi Jinping

2024-03-08 12:24:40  CMG
Share with:

Habang dumadalo sa isang plenaryong pulong ng delegasyon ng People’s Liberation Army at People’s Armed Police Force sa Ika-2 Sesyon ng Ika-14 na Pambansang Kongresong Bayan (NPC), punong lehislatura ng bansa, ipinananawagan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na buuin ang mas malakas na kamalayan ng misyon, palalimin ang reporma, at pasulungin ang inobasyon, upang komprehensibong palakasin ang estratehikong kakayahan sa mga bagong sibol na larangan.

 

Saad ni Xi, ang mabilis na pagpapaunlad ng makabagong kalidad na produktibong puwersa ay nagkaloob ng pambihirang pagkakataon para sa pag-unlad ng estratehikong kakayahan sa mga bagong sibol na larangan.

 


Hinimok niyang pasulungin ang mabisang integrasyon ng makabagong kalidad na produktibong puwersa at makabagong kalidad na kakayahan sa labanan.

 

Tinukoy niyang kailangang pasulungin ang independyente’t orihinal na inobasyon, upang buuin ang lakas ng pagpapalago ng makabagong kalidad na produktibong puwersa at makabagong kalidad na kakayahan sa labanan.

 

Hiniling din ni Xi na itatag ang mga kadena ng inobasyon, kadenang industriyal, at value chain na angkop sa pag-unlad ng mga bagong sibol na larangan, at hanapin ang pag-unlad at paggamit ng makabagong uri ng puwersa sa pakikipagdigma.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil