Mga kagawad ng CPPCC, patuloy sa pagtalakay ng mga suliranin ng estado

2024-03-09 15:42:28  CMG
Share with:

 

Idinaos ngayong araw, Marso 9, 2024, sa Beijing, ang ikatlong pulong ng plenaryo ng Ika-2 Sesyon ng Ika-14 na Pambansang Komite ng Chinese People's Political Consultative Conference (CPPCC).

 

Nagtalumpati sa pulong ang ilang kagawad ng CPPCC, para ibahagi ang kani-kanilang mga kuru-kuro at mungkahi sa mga isyung gaya ng pagpapatingkad ng mas malaking papel ng superbisyong demokratiko ng CPPCC sa mga suliranin ng estado, pagpapabuti ng sistema ng demokrasyang bayan sa mababang yunit ng lipunan, paghubog ng lakas manggagawa sa iba’t ibang industriya, pag-unlad ng Hong Kong at Macao, pagpapasulong ng kooperasyon ng magkabilang pampang ng Taiwan Straits, pangangalaga at pagpapaunlad sa mga mabuting tradisyonal na kultura, pagpapalakas ng panlabas na pagpapalitang kultural, paggagalugad sa mga yamang panturismo at pangkultura ng Rehiyong Awtonomo ng Uygur ng Xinjiang, pagbuo ng ekolohikong sibilisasyon, at iba pa.


Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos