Sa pulong ng United Nations Security Council (UNSC) Lunes, Marso 11, 2024, nanawagan si Geng Shuang, Pangalawang Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN, sa komunidad ng daigdig na pangkagipitang pasulungin ang tigil-putukan sa Gaza Strip.
Saad ni Geng, kinokondena ng panig Tsino ang lahat ng mga porma ng karahasang sexual na nakatuon sa kababaihan sa mga armadong sagupaan.
Naninindigan ang Tsina na napapanahon at komprehensibong imbestigahan ang ganitong kilos na salungat sa pandaigdigang makataong batas at batas sa karapatang pantao, at matatag na parusahan ang mga may kagagawan alinsunod sa batas, upang bigyang katarungan at dignidad ang mga biktima, dagdag niya.
Kailangan din aniyang bigyan ng suporta ang mga nabubuhay na biktima, upang tulungan silang magpagaling ng sakit sa puso.
Salin: Vera
Pulido: Ramil