Nanawagan kahapon, Marso 11, 2024 si António Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN), na dapat itigil na ang anumang sagupaan sa Gaza Strip at Sudan sa panahon ng Ramadan ng relihiyong Islamiko.
Sa parehong araw, sinabi ni Guterres na ang Ramadan ay buwan ng kapayapaan, pagkakaisa at rekonsilyasyon para sa lahat ng mga Muslim sa buong daigdig, pero patuloy pa rin ang sagupaan at marahas na aksyon sa Gaza Strip.
Umaasa aniya siyang mapapa-alis ang mga hadlang sa pagpasok ng makataong tulong sa Gaza at mapapalaya ang mga idinetening tauhan.
Bukod dito, ipinanawagan ni Gutterres ang tigil-putukan sa Sudan dahil sa malubhang gutom, takot, at pagdurusang kinakaharap ng mga mamamayang lokal.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil