Tsina, inulit ang panawagan para sa agarang tigil-putukan sa Gaza

2024-03-02 16:14:49  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati Pebrero 29, 2024, sa Ika-55 Sesyon ng United Nations Human Rights Council, inulit ni Chen Xu, Embahador ng Tsina sa mga Tanggapan ng United Nations sa Geneva at ibang mga Organisasyong Pandaigdig sa Switzerland, ang panawagan ng Tsina para sa agarang tigil-putukan sa Gaza.

 

Inilahad ni Chen sa naturang sesyon ang paninindigan ng Tsina sa kalagayan ng Palestina at Israel.

 

Tinukoy niyang, sa harap ng walang katulad na kapahamakang makatao sa Gaza, ang agarang tigil-putukan ay napakalakas na kahilingan ng komunidad ng daigdig at pinakasaligang pangangailangan para mapanumbalik ang kapayapaan.

 

Hinihimok aniya ng Tsina ang Israel, na payagan ang mga organisasyong makatao na magkaroon ng kinakailangang mga yaman para magsagawa ng mga misyon ng pagliligtas sa Gaza. Dapat din aniyang mabisang ipatupad ng Israel ang mga pansamantalang hakbangin at kautusan mula sa International Court of Justice.

 

Dagdag ni Chen, palagiang kinakatigan ng Tsina ang makatarungang usapin ng mga Palestino ng pagpapanumbalik ng mga lehitimong karapatang pambayan, at tinututulan ang sapilitang paglilipat ng mga Palestino, pati na rin ang pagsakop ng mga teritoryo ng Palestina.

 

Ang “two-state solution” ay hindi lamang unibersal na komong palagay ng komunidad ng daigdig, kundi realistikong landas din para sa pinal na pagsasakatuparan ng mapayapang pakikipamuhayan ng Palestina at Israel, at dapat gumawa ng walang humpay na pagsisikap ang iba’t ibang bansa para rito, diin ni Chen.


Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos