Roundtable na diyalogo tungkol sa kabuhayang Tsino, idinaos

2024-03-16 17:36:47  CMG
Share with:

Idinaos kahapon, Marso 15, 2024, sa Beijing, ang isang roundtable na diyalogo tungkol sa kabuhayang Tsino, na nilahukan ng mga opisyal ng mga may kinalamang departamento ng Tsina, mga ekonomista, at mahigit 20 dayuhang diplomata at mga namamahalang tauhan ng mga organisasyong pandaigdig sa Tsina.

 

Tinalakay ng mga kalahok ang tungkol sa takbo ng makro-ekonomiya ng Tsina, para ipakita ang tunay at komprehensibong kalagayan ng kabuhayang Tsino.

 

Nagpalitan din sila ng palagay tungkol sa kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan, at bilateral na pamumuhunan sa pagitan ng Tsina at ibang bansa.


Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos