CMG, idinaos ang Global Media Dialogue sa Chicago

2024-03-15 17:57:38  CMG
Share with:


Sa magkasamang pagtataguyod ng China Media Group (CMG) at China General Chamber of Commerce – USA Chicago (CGCC-Chicago), idinaos Marso 13, 2024, sa University of Chicago, Amerika, ang Global Media Dialogue na nagtampok sa prospek ng kabuhayang Tsino at mga pagkakataon sa pamilihan ng Tsina.


 

Lumahok sa aktibidad na ito ang mahigit 100 panauhin mula sa mga sirkulo ng pulitika, negosyo, at akademiya ng Tsina at Amerika.

 


Sa kani-kanilang talumpati sa diyalogo, ibinahagi nina Shen Haixiong, Presidente ng CMG, Xie Feng, Embahador ng Tsina sa Amerika, at Zhao Jian, Konsul Heneral ng Tsina sa Chicago, ang mga impormasyon tungkol sa mainam na takbo at magandang prospek ng kabuhayang Tsino, at ang kahandaan ng Tsina na palakasin, kasama ng Amerika, ang kooperasyon sa kabuhayan, kalakalan, at pamumuhunan.


 

Ipinahayag naman ng mga personaheng Amerikano na gaya nina Max Baucus, dating Embahador ng Amerika sa Tsina, Jeff Colyer, dating Gobernador ng Estado ng Kansas, Lori Lightfoot, dating Alkalde ng Chicago, at iba pa, ang optimistikong pakikitungo sa de-kalidad na pag-unlad ng kabuhayang Tsino, at ang pag-asa para sa mas malakas na kooperasyong pangkabuhaya’t pangkalakalan at pagpapalitang tao-sa-tao ng Amerika at Tsina sa hinaharap.


Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos