Nag-usap kahapon, Marso 15, 2024, sa Beijing, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Joao Lourenco ng Angola.
Ipinatalastas nila ang pagtaas ng relasyon ng dalawang bansa sa komprehensibo, estratehiko, at kooperatibong partnership.
Binigyan ni Xi ng mataas na pagtasa ang pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Angola nitong 41 taong nakalipas sapul nang itatag ng dalawang bansa ang relasyong diplomatiko.
Ipinahayag niya ang kahandaan ng Tsina, na palakasin kasama ng Angola ang kooperasyon sa ilalim ng Belt and Road; tulungan ang Angola sa pagsasakatuparan ng modernisadong agrikultura, industrialisasyon, at multipolarisasyong pangkabuhayan; at pasulungin ang pagpapalitang tao-sa-tao at pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Sinabi rin ni Xi, na bilang maaasahang kaibigan at matapat na katuwang ng Aprika, patuloy na ipagkakaloob ng Tsina ang suporta at tulong sa mga bansang Aprikano na kinabibilangan ng Angola, at palalakasin ang koordinasyon kasama ng mga bansang Aprikano para pangalagaan ang komong kapakanan ng mga umuunlad na bansa.
Pinasalamatan naman ni Lourenco ang Tsina sa pagbibigay ng mga suporta at tulong sa Angola, at hinangaan ang mga pagsisikap ng Tsina para sa kapayapaan, kaunlaran, katarungan, at pagkakapantay-pantay ng daigdig.
Aniya, umaasa ang Angola, kasama ng Tsina, na pasusulungin ang pagtamo ng mas maraming bunga ng relasyon ng dalawang bansa.
Pagkaraan ng pag-uusap, sinaksihan nina Xi at Lourenco ang paglalagda ng dalawang bansa sa mga dokumento sa bilateral na kooperasyon sa mga aspekto ng Belt and Road, kabuhaya’t kalakalan, agrikultura, berdeng pag-unlad, at iba pa.
Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos