Ika-40 anibersaryo ng ugnayang diplomatiko ng Tsina at Angola, ipinagdiriwang: pangulo ng dalawang bansa, nagpalitan ng pagbati

2023-01-12 16:16:55  CMG
Share with:

Kaugnay ng pagdiriwang ng ika-40 anibersaryo ng relasyong diplomatiko ng Tsina’t Angola, nagpalitan ng mensaheng pambati, Huwebes, Enero 12, 2023 sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Joao Lourenco ng Angola.

 

Tinukoy ni Xi na magmula nang maitayo ang relasyong diplomatiko ng Tsina’t Angola, nitong 40 taong nakalipas, nananatiling matapat na magkaibigan ang dalawang bansa, magkasamang nagpupunyagi, at nauunawaan at sinusuportahan ang isa’t-isa sa mga isyung may kinalaman sa mga nukleong interes at mga pangunahing pagkabahala.

 

Aniya pa, mainam ang pangkasalukuyang tunguhin ng pag-unlad ng nasabing relasyon, at mabunga ang kooperasyon ng kapuwa panig sa iba’t-ibang larangan, na naghahatid ang aktuwal na benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa.

 

Diin ni Xi, lubos niyang pinahahalagahan ang pag-unlad ng relasyong Sino-Angolano.

 

Handa aniya siyang makipagtulungan kay Pangulong Lourenco upang gawing oportunidad ang ika-40 anibersaryo ng diplomatikong relasyon ng Tsina at Angola para palalimin ang mutuwal na pagtitiwalaang pulitikal, palakasin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, pag-ibayuhin ang pagkakaibigang Sino-Angolano, at isulat ang bagong kabanata ng masiglang pag-unlad ng estratehikong partnership ng dalawang bansa.

 

Inihayag naman ni Lourenco na magmula nang itayo ang relasyong Sino-Angola, tuluy-tuloy ang pag-unlad nito, at nakamit ang mahahalagang tagumpay sa kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan sa iba’t-ibang larangan.

 

Aniya, magkaisa ang pananaw ng dalawang bansa sa maraming isyung pandaigdig.

 

Kasama ng panig Tsino, nakahanda aniya ang Angola na palakasin ang relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon, itatag ang kinabukasang may pinagbabahaginan at win-win na situwasyon, isakatuparan ang komong progreso, kasaganaan, at kaunlaran, at mas mainam na ihatid ang benepisyo sa kani-kanilang mga mamamayan.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio