CMG, ini-organisa ang pandaigdigang aktibidad para mangalap ng mga kuwentong may kinalaman sa Tsina

2024-03-16 17:38:36  CMG
Share with:

 

Ini-organisa ng China Media Group (CMG) ang isang pandaigdigang aktibidad na tinatawag na “Written in the Sky: My China Story,” para mangalap mula sa mga netizen ng buong daigdig ng kani-kanilang kuwentong may kinalaman sa Tsina.

 

Simula ngayong araw, Marso 16, 2024, hanggang huling araw ng darating na Agosto, puwedeng iharap ng mga netizen ang mga entri sa iba’t ibang plataporma ng CMG. Ang mga entri ay maaaring isumite sa mga porma ng teksto, larawan, video, at iba pa.


Editor: Liu Kai

Pulido: Ramil Santos