353 milyong panonood, nakuha ng CMG 2024 Lantern Festival Gala

2024-02-26 15:18:39  CMG
Share with:

 

Isinahimpapawid, Pebrero 24, 2024 ng gabi ang Lantern Festival Gala ng China Media Group (CMG).


Hanggang alas-otso ng umaga ng Pebrero 25, nasa 353 milyon ang nakapanood ng nasabing pagtatanghal, sa iba’t ibang plataporma.


Kabilang dito, 184 milyong panonood ang ginawa sa pamamagitan ng new media, at 169 milyon naman ay sa telebisyon.


Ang gala ay pinag-usapan ng maraming Tsino, at nakakuha ng paborableng komento sa social media.


Kaugnay nito, 2.99 bilyong beses na pinag-usapan sa social media ang gala.


Maliban diyan, inilathala ng China Global Television Network (CGTN) ang 1210 kwento tungkol sa gala sa 68 wika.


Ito ay tumanggap ng 170 milyong view sa buong mundo.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil