Vladimir Putin, wagi sa halalang pampanguluhan ng Rusya

2024-03-18 14:44:22  CMG
Share with:

Ayon sa datos na inilabas madaling araw, Marso 18, 2024 ng Central Election Commission (CEC) ng Rusya, 85% ng mga boto ang nabilang na kaugnay ng halalang pampanguluhan ng bansa.

 

Anito, sa naturang 85% boto, nakuha ni Vladimir Putin ang 87.19%, kaya siya ang malinaw na tagumpay sa halalan.

 

Sa kanya namang talumpati, nagpasalamat si Putin sa suporta ng mga mamamayan, at sa ilalim ng kanyang bagong termino, magpapatuloy aniya ang pag-unlad ng bansa.

 

Ang naturang eleksyon ay idinaos mula Marso 15 hanggang 18.

 

Hinggil dito, inimbitahan ng Rusya ang 1,115 pandaigdigang tagamasid mula sa 129 bansa’t rehiyon upang mag-obserba sa proseso ng eleksyon, at igarantiyang malinis ang halalan.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio