Espesyal na kinatawang Tsino sa mga suliraning Eurasian at pangalawang ministrong panlabas ng Rusya, nag-usap

2024-03-04 15:41:46  CMG
Share with:

Dumating, Marso 2, 2024 sa Moscow, Rusya si Li Hui, Espesyal na Kinatawan ng Tsina sa mga Suliraning Eurasian, upang pasimulan ang ika-2 yugto ng shuttle diplomacy kaugnay ng krisis ng Ukraine.

 

Sa parehong araw, nag-usap si Li at Mikhail Galuzin, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Rusya, at malaliman silang nagpalitan ng kuru-kuro hinggil sa relasyong Sino-Ruso at krisis ng Ukraine.

 

Kapuwa nila sinabi, na ang kasalukuyang taon ay ika-75 anibersaryo ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Rusya, at simula ng Taon ng Kultura ng Tsina at Rusya mula 2024 hanggang 2025, kaya dapat anilang pundamental na sundin ng kapuwa panig ang mahahalagang komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa, upang pasulungin ang tuluy-tuloy na pag-abante ng bilateral na relasyon.

 

Saad ni Li, base sa historikal na karanasan, kailangang resolbahin ang anumang sagupaan, sa pamamagitan ng talastasan.

 

Nakahanda aniyang magsikap ang panig Tsino upang pasulungin ang talastasang pangkapayapaan, isagawa ang shuttle diplomacy, isulong ang medyasyon at pagtitipun-tipon ng komong palagay sa pagitan ng Rusya, Ukraine at iba’t-ibang kaukulang panig, at pasulungin ang pinal na pagresolbang pulitikal ng krisis ng Ukraine.

 


Sang-ayon si Galuzin sa pagresolba sa krisis ng Ukraine sa pamamagitan ng talastasan.

 

Hinangaan din niya ang katangi-tanging konstruktibong papel ng Tsina para rito, at binigyan ng lubos na pagpapahalaga ang ika-2 yugto ng shuttle diplomacy ng panig Tsino.

 

Umaasa aniya siyang patuloy pang mapapalakas ang ugnayan ng panig Ruso at panig Tsino.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio