Idinaos kahapon, Marso 18, 2024, sa Beijing, ang China-U.S. Youth Exchange Program, na nilahukan nina Shen Haixiong, Presidente ng China Media Group (CMG), at Dick Muri, Mayor ng Steilacoom, Washington State.
Ang kaganapang ito na may temang “Friends coming from afar” ay sama-samang inorganisa ng CMG at U.S.-China Youth and Student Exchange Association. Bahagi ito isang programa ng pagpapalitan na magpapadala ng 50,000 Amerikanong tinedyer sa Tsina para mag-aaral.
Sinabi ni Shen na minamarkahan ng taong ito ang ika-45 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko sa pagitan ng Tsina at Amerika.
Si Shen Haixiong, Presidente ng CMG
Aniya, naniniwala siya na sa pamamagitan ng pagpapalitang pagbisita, maaaring obserbahan ng mga estudyanteng Amerikano ang Tsina sa kanilang sariling mata, pakinggan ang Tsina sa kanilang sariling tainga, at maranasan ang kagandahan ng pagkaing Tsino sa kanilang sariling dila.
Ipinahayag din niya ang pagnanais sa mas direkta at mas malalim na pag-unawa at karanasan.
Bilang isa sa mga unang kalahok ng programa ng pagpapalitan, umaasa si Muri na aaralin ng 24 estudyante na ang pagkakataong dumating ay personal na matututunan ang Tsina sa pamamagitan ng pagbisita, at maging sugo ng kabataan ng pagkakaibigang Tsina-Amerika.
Si Dick Muri, Mayor ng Steilacoom, Washington State
Salin:Sarah
Pulido:Ramil