CMG Komentaryo: Bakit bumabangon at bumubuti ang kabuhayang Tsino?

2024-03-19 15:06:27  CMG
Share with:

Inihayag kamakailan ng maraming kompanyang pinatatakbo ng puhunang dayuhan na di-mahahalinhan ang merkadong Tsino, at optimistiko sila sa mainam na tunguhin ng pag-unlad ng kabuhayang Tsino.

 

Bakit naging kaaya-aya ang mga tunguhin ng paglago ng kabuhayang Tsino?

 


Ayon sa opisyal na datos ng takbo ng pambansang kabuhayan ng Tsina mula Enero hanggang Pebrero, tumaas ng 7% ang value-added industrial output ng bansa; lumaki ng 4.2% ang fixed-asset investment; umabot sa 54.2% ang Production and Operation Expectation Index; at 58.1% naman ang Business Activity Expectation Index for Services.

 

Pawang nasa masaganang lebel ang mga datos na ito, at nagpapakita itong hindi nagbabago ang batayan ng pangmalayuang pagganda ng kabuhayang Tsino.

 

Sa kasalukuyan, naging bentahe ng kabuhayang Tsino ang pagpapaunlad ng makabagong kalidad na produktibong puwersa.

 

Sa 2024 government work report, ginagawang priyoridad ang puspusang pagpapasulong sa pagtatatag ng modernong sistemang industriyal, at mabilis na pagpapaunlad ng makabagong kalidad na produktibong puwersa.

 


Ang atmospera ng inobasyon ng Tsina ay nakakaakit ng maraming kompanyang dayuhan.

 

Noong Enero ng 2024, itinayo sa Tsina ang 4,588 bagong kompanyang pinamumuhunanan ng mga banyagang mangangalakal, at ito ay lumaki ng 74.4% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.

 

Gayunpaman, noong unang dalawang buwan ng taong ito, tumaas ng 8.7% ang pag-aangkat at pagluluwas ng mga paninda ng Tsina kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon, at kapuwa naisakatuparan ang paglago ng pag-aangkat at pagluluwas.

 

Napapatunayan ng katotohanan na dumarami nang dumarami ang mga elementong sumusuporta sa pagbangon at pagbuti ng kabuhayang Tsino.

 

Sa kasalukuyan, medyo marami pa rin ang mga di-matatag at di-tiyak na elemento sa labas, at kailangang patibayin ang pundasyon ng pagbangon at pagbuti ng kabuhayang Tsino.

 

Pero kasabay ng walang tigil na pagdaragdag ng iba’t ibang paborableng elemento, may kakayahan ang pambansang kabuhayan na isakatuparan ang mga nakatakdang target at tungkulin, at ihatid ang kasiglahan sa kabuhayang pandaigdig.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil