Ordinansa sa pambansang seguridad, pinagtibay sa LegCo ng HKSAR

2024-03-20 16:41:27  CMG
Share with:


 

Marso 19, 2024 – Upang isakatuparan ang tungkuling konstitusyonal na itinakda ng Article 23 ng HKSAR Basic Law, pinagtibay sa pamamagitan ng 89 na boto sa ika-3 pagbasa, ng Legislative Council (LegCo) ng Espesyal na Administratibong Rehiyon ng Hong Kong (HKSAR) ang Safeguarding National Security Ordinance.

 

Pagkatapos ng botohan, sinabi ni John Lee, Punong Ehekutibo ng HKSAR na ang pagkakapatibay ng naturang ordinansa ay “historikal.”

 

Dahil aniya sa Safeguarding National Security Ordinance, mabisang mapapangalagaan ang seguridad ng bansa, at makakapagpokus ang HKSAR sa pagpapaunlad ng ekonomiya at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan tungo sa mas masaganang inangbayan.

 

Magkakabisa ang ordinansa, Marso 23, matapos itong lagdaan ni Lee at ilathala sa opisyal na gazette.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio