MOFA: ang paglulunsad ng lehislasyon sa Artikulo 23 ng Basic Law ay makakatulong sa pangangalaga ng pundamental na kapakanan ng lahat ng residente ng HK
Kaugnay ng paglulunsad ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) ng lehislasyon sa Artikulo 23 ng Basic Law, ipinahayag Enero 31, 2024, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang pagkumpleto ng lehislasyon sa Artikulo 23 ng Basic Law ay makakatulong sa pangangalaga ng pundamental na kapakanan ng lahat ng residente ng HK.
Tinukoy ni Wang na ang pagkumpleto ng lehislasyon sa Artikulo 23 ng Basic Law ay nararapat na obligasyon ng HKSAR para sa pagsasakatuparan ng konstitusyonal na responsibilidad nito ng pangangalaga sa pambansang seguridad, pagsasakatuparan ng Basic Law ng HKSAR at mga kinauukulang desisyon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC) at Batas sa Pambansang Seguridad ng HK.
Ito rin ang lubos na kahilingan sa paggarantiya ng pangmalayuang kapayapaan at katatagan ng HK at pagsasakatuparan ng “Isang Bansa, Dalawang Sistema,” dagdag pa niya.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil