Pagbati, ipinadala ni Xi Jinping sa pagkahalal ni Prabowo Subianto bilang pangulo ng Indonesia

2024-03-21 14:22:01  CMG
Share with:

Sa kanyang mensaheng pambati, Marso 20, 2024 kaugnay ng pagkahalal ni Prabowo Subianto bilang pangulo ng Indonesia, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na lubos niyang pinahahalagahan ang pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.

 

Umaasa aniya siyang makakasama si Prabowo, sa pagpapasulong ng mas malaking progreso sa kooperasyon ng dalawang bansa, upang magdulot ng mas maraming benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa at mapasigla ang katatagan at kasaganaan ng rehiyon at daigdig.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio