Parating na ang hinaharap

2024-03-21 16:39:32  CMG
Share with:

Sa kasalukuyan, ang terminong new quality productive forces ay nag-viral sa Internet ng Tsina. Ano ba ang ibig sabihin nito? At anong pagbabago ang dadalhin nito?


Tingnan natin ang magandang pamumuhay ng pamilya ni Xiaoming sa hinaharap sa anggulo ng AI


Sa umaga, pumapasok sa paaralan si Xiaoming sakay ng unmanned module. Ngayong araw, merong siyang paboritong aralin tungkol sa Mundo.


Wow, ang ganda!


Hangad niyang maging masaya ang Mundo at walang gulo. 


Mabuting kaibigan ni Xiaoming si Yaya.  


Xiaoming, kumusta?


Siya ay isang humanoid robot. Gusto nilang tuklasin ang misteryo kung paano nagiging maharmonya ang pakikipamuhayan ng Sangkatauhan at Kalikasan. (harmonious co-existence between man and nature )


Ang nanay ni Xiaoming ay isang manunulat. Inirerekord niya ang kanyang malikhaing ideya sa tulong ng Brain Computer Interface. Matapos mabuo ang manuskripto, awtomatikong ililipat ang mga ito sa imahe at puwedeng ipakita sa pamamagitan ng holographic image.


Ngayong araw, ang tema ng kanyang isinulat ay "People Oriented, AI for Good"


Samantala, nasa business trip ang tatay ni Xiaoming sa Mars. Isa siyang construction worker. Matapos makumpleto ang huling misyon ng pagbuo ng gusali sa tulong ng teknolohiya ng 3D printing gamit ang bagong materyales ng Mars, siya ay babalik sa Mundo sakay ng interstellar bus, isang manned spacecraft.


Ngayon lang, tagumpay ang operasyon ng heart transplant ng lola ni Xiaoming gamit ang synthetic biology. Dumating mula sa iba’t ibang lugar ang buong pamilya para sunduin si lola. Masayang masaya ang muling pagtitipon ng buong pamilya.


Isang selula ng lipunan at sandigan ng bansa ang pamilya. Ang pagpapabuti ng pamumuhay at kapakanan ng mga mamamayan ay pundamental na target ng pagpapaunlad.


Parating na ang hinaharap pati na rin ang kaligayahan.


Pagsalin: Sissi

 

Video Editor: Sissi


Pulido: Ramil