Bagong hakbang ng Tsina sa pagbubukas at pag-akit ng banyagang puhunan, inilahad

2024-03-21 14:30:21  CMG
Share with:

Inilahad Miyerkules, Marso 20, 2024 ng mga opisyal ng Tsina ang mga pinakabagong hakbang ng bansa sa pagpapasulong sa mataas na lebel na pagbubukas, at paghikayat ng banyagang pamumuhunan.

 


Kabilang sa mga ito ay pagpapalawak ng “Listahan ng mga Industriyang Hihimok ng Banyagang Pamumuhunan,” at pagpapadali ng daloy ng datos para pababain ang gastos ng mga banyagang institusyong pinansyal.

 

Isinalaysay ni Hua Zhong, Puno ng Departamento ng Dayuhang Kapital at Pamumuhunan sa Ibayong Dagat ng Pambansang Komisyon sa Pag-unlad at Reporma ng Tsina, na ine-enkorahe at sinusuportahan ng Tsina ang pamumuhunan ng mga banyagang kompanya sa berdeng ekonomiya, ekonomiyang didyital, at mga industriyang pangkalusugan.

 


Ayon naman kay Zhu Bing, Puno ng Departamento ng Pangangasiwa sa Banyagang Pamumuhunan ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, magpopokus ang kanyang ministri sa pagkakaloob ng mabuting serbisyo, at paglikha ng magandang kapaligirang pang-negosyo.

 

Samantala, nagpupunyagi ang bansa sa mga makabagong regulasyon at hakbangin sa pagpapadali ng daloy ng datos, upang pababain ang gastos ng mga banyagang institusyong pinansyal, at i-optimisa ang serbisyo ng pagbabayad ng mga dayuhan, dagdag ni Zhou Yu, opisyal ng People's Bank of China, bangko sentral ng bansa.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio