Premyer Tsino: Palalawakin ang de-kalidad na pagbubukas sa labas

2024-03-05 11:12:51  CMG
Share with:

Sa kanyang government work report (GWR) na inilahad ngayong araw, Marso 5, 2024 sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-2 Sesyon ng Ika-14 na Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC), ipinahayag ni Premyer Li Qiang ng Tsina na sa taong 2024, patuloy na palalawakin ang de-kalidad na pagbubukas sa labas at pasusulungin ang mutuwal na kapakinabangan at win-win na sitwasyon.


Ani Li, pasusulungin ng pamahalaang Tsino ang pagtataas ng kalidad ng kalakalang panlabas ng Tsina at pananatilihin ang bolyum ng kalakalang panlabas.


Saad pa niya na ilalabas ng pamahalaang Tsino ang mga patakaran at hakbangin para lubos na hikayatin ang pamumuhunan ng pondong dayuhan at pasusulungin din ng pamahalaang Tsino ang de-kalidad na Belt and Road cooperation, bilateral at multilateral na kooperasyong pangkabuhayan.


Bukod dito, tinukoy ni Premyer Tsino na dapat igiit ng Tsina ang mapayapa at nagsasariling patakarang panlabas, at estratehiya ng pagbubukas na may mutuwal na kapakinabangan at win-win na sitwasyon.


Ani Li, tinututulan ng panig Tsino ang hegemonismo at pinangangalagaan ang pandaigdigang katarungan at pagkakapantay-pantay.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil