Pangalawang Pangulo ng Tsina, nakipagtagpo sa Hari at Inang Reyna ng Kambodya

2024-03-22 16:59:47  CMG
Share with:

Nakipagtagpo Marso 21, 2024, sa Beijing, si Han Zheng, Pangalawang Pangulo ng Tsina kina Norodom Sihamoni, Hari ng Kambodya, at Norodom Monineath Sihanouk, Inang Reyna ng Kambodya.

 


Ipinahayag ni Han na ang Tsina at Kambodya ay mabuting magkapitbahay, magkaibigan at magpartner.

 

Sa ilalim ng estratehikong pamumunuan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina at mga lider ng Kambodya, ang pagtatayo ng komunidad ng may pinagbabahaginang kapalaran ng Tsina at Kambodya ay pumasok sa bagong panahon ng mataas na kalidad, lebel at pamantayan.

 

Aniya, nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Kambodya, para isakatuparan ang mga mahalagang napagkasunduan na naabot ng mga lider ng dalawang bansa, pasulungin ang bagong pag-unlad ng komprehensibong estratehikong kooperasyon ng dalawang bansa, para dulutin ang higit pang benepisyo para sa mga mamamayan ng Tsina at Kambodya.

 

Pinasalamatan naman nina Sihamoni at Monineath ang Tsina para sa tulong na ipinagkakaloob nito sa Kambodya at lubos na pinapurihan ang serye ng global na inisyatiba na inilahad ni Pangulong Xi.

 

Ipinahayag nilang buong tatag na nananangan ang Kambodya sa prinsipyong isang-Tsina at nakahandang magsikap kasama ng Tsina para itatag ang komunidad ng may pinagbabahaginang kapalaran ng Tsina at Kambodya, palalimin ang pagpapalitan at kooperasyon sa iba’t ibang larangan, para bigyang-daan ang tradisyonal na pagkakaibigan ng Tsina at Kambodya na maipasa mula sa henerasyon hanggang sa henerasyon.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio