Nakipagtagpo, kahapon, Oktubre 17, 2023, si Premyer Li Qiang ng Tsina, kay Hun Manet, Punong Ministro ng Kambodya na kalahok sa Ika-3 Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF).
Premyer Li Qiang ng Tsina at Hun Manet, Punong Ministro ng Kambodya (photo from Xinhua)
Tinukoy ni Li na nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Kambodya, para magkasamang isakatuparan ang bagong bersyon ng plano ng aksyon para sa pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan, pasulungin ang mas malakas at sustenableng pag-unlad ng aktuwal na kooperasyon ng dalawang bansa.
Pabilisin ang konstruksyon ng mga imprastruktura, at itatag ang bagong flagship ng proyekto ng dekalidad na magkakasamang pagtatatag ng “Belt and Road” ng Tsina at Kambodya.
Palawakin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa bagong larangang tulad ng berdeng industriya, digital na ekonomiya, para tulungan ang Kambodya na pabilisin ang proseso nito ng industriyalisasyon at modernisasyon, saad ni Li.
Sinabi naman ni Hun Manet na buong tatag na nananangan ang Kambodya sa patakaran ng pagkakaibigan sa Tsina, matatag na sundin ang prinsipyong isang-Tsina.
Nakahanda ang Kambodya na samantalahin ang pagkakataon ng ika-65 anibersaryo ng pagtatatag ng relasyong diplomatiko ng Kambodya at Tsina, palalimin ang kooperasyon ng dalawang panig sa enerhiya, agrikultura, pamumuhunan, pagpapalitang tao-sa-tao at kultura.
Pagkatapos ng pulong, magkakasama nilang sinaksihan ang paglagda ng mga dokumento ng bilateral na kooperasyon.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil