Mga media ng Tsina at Kambodya, palalakasin ang kooperasyon

2023-11-18 17:11:05  CMG
Share with:

 

Sa magkakasamang pagtataguyod ng China Media Group (CMG), Ministri ng Impormasyon ng Kambodya, at Embahada ng Tsina sa Kambodya, idinaos kahapon, Nobyembre 17, 2023, sa Phnom Penh, kabisera ng Kambodya ang Mataas na Porum ng mga Media ng Tsina at Kambodya at Ika-3 Porum sa Pagpapalitang Kultural ng Tsina at Kambodya.


 

Dumalo at nagtalumpati sa porum sina Neth Pheaktra, Ministro ng Impormasyon ng Kambodya; Hu Jinjun, Pangalawang Presidente ng CMG; at Wang Wentian, Embahador ng Tsina sa Kambodya.

 

Binigyan nila ng mataas na pagtasa ang malaking ambag ng media ng dalawang bansa para pasulungin ang pagtatatag ng komunidad ng may pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at Kambodya, at palakasin ang pagtitiwalaang pulitikal, mutuwal na pakinabang pangkabuhayan, at pagpapalitang kultural ng dalawang bansa.

 

Isang halimbawa anila ay magkasamang paggawa ng CMG at Pambansang Telebisyon ng Kambodya ng tatlong episode na dokumentaryong may pamagat na “Ngiti ng Kambodya,” para ipakita ang mabungang kooperasyon ng Tsina at Kambodya sa ilalim ng Belt and Road Initiative.

 

Ipinahayag din nila ang pag-asang ibayo pang palalakasin ang pag-uugnayan ng mga media ng Tsina at Kambodya, bilang bahagi ng pagpapalitang tao-sa-tao at pangkultura ng dalawang bansa.


Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos