Xi Jinping, nakikiramay sa Rusya kaugnay ng grabeng teroristikong pag-atake

2024-03-23 13:32:59  CMG
Share with:

Pagkaraang maganap ang grabeng teroristikong pag-atake sa Moscow, kabisera ng Rusya, ipinadala ngayong araw, Marso 23, 2024, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, ang mensahe kay Pangulong Vladimir Putin ng Rusya, bilang pagpapahayag ng pakikidalamhati sa mga nasawi at pakikiramay sa kani-kanilang pamilya at mga nasugatan.

 

Binigyang-diin din ni Xi ang pagtutol ng Tsina sa lahat ng mga porma ng terorismo, pagkondena sa mga teroristikong aksyon, at pagsuporta sa pagsisikap ng pamahalaang Ruso para pangalagaan ang katiwasayan at katatagan ng bansa.

 

Ayon naman sa ulat ng Russian media, umabot na sa 93 ang bilang ng mga namatay sa naturang teroristikong pag-atake na naganap kahapon sa Crocus City Hall ng Moscow, at mahigit sa 100 naman ang nasugatan.

 

Inangkin ng Islamic State ang responsibilidad sa insidenteng ito.


Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos