Isang teroristikong pag-atake ang naganap Marso 26, 2024, (lokal na oras) sa isang sasakyan ng proyekto ng Dasu Hydropower na itinatag ng kompanyang Tsino na ikinamatay ng 5 tauhang Tsino at 1 tauhang Pakistani.
Kaugnay nito, ipinahayag Marso 27, 2024, ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA) na mariing kinokondena ng Tsina ang teroristikong pag-atake, at ipinahayag ang taos-pusong pakikiramay sa mga kamag-anak ng mga biktima.
Sinabi ng tagapagsalita ng MOFA na hiniling ng Tsina sa Pakistan na lubos na imbestigahan ang insidente sa lalong madaling panahon, at gawin ang lahat ng pagsisikap para mahanap at parusahan ang mga may kagagawan.
Kasabay nito, dapat isagawa ng Pakistan ang aktuwal at mabisang hakbangin para mapangalagaan ang kaligtasan ng mga mamamayang Tsino, institusyon, at proyekto sa Pakistan.
Hinggil dito, buong lakas na nakikipagtulungan ang Tsina sa Pakistan para ganap na pasulungin ang mga susunod na hakbangin.
Pumunta hapon ng Marso 26, 2024, si Shahbaz Sharif, Punong Ministro ng Pakistan sa Embahadang Tsino sa Pakistan para ihatid ang pakikiramay sa pamiliya ng mga biktima at pamahalaang Tsino.
Nang araw ring iyon, mahigpit na kinondena ni Shahbaz at mga lider ng Pakistan, na kinabibilangan ni Pangulong Asif Ali Zardari ang teroristikong pag-atake, at ipinahayag ang kanilang pakikiramay sa mga biktima.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil