Tsina, hinimok ang Timog Korea na manatiling maingat sa isyu ng South China Sea

2024-03-29 16:12:05  CMG
Share with:

Sinabi, Marso 28, 2024 sa isang regular press briefing, ni Lin Jian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), na hinihimok ng Tsina ang Timog Korea na manatiling maingat pagdating sa isyu ng South China Sea (SCS).

 


Ito ay bilang tugon sa mga komento ng Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Timog Korea na may kinikilingan at hindi makatotohanan hinggil sa isyu ng SCS.

 

Sinabi ni Lin na ikinalulungkot ito ng Tsina at nagsumite ng mga representasyon sa Timog Korea. Aniya, walang kinalamang panig ang Timog Korea pagdating sa isyu ng SCS at ang mga aksyon nila ay hindi nakakatulong sa kapayapaan at katatagan sa SCS, mababa parin sa releasyong Tsina-Timog Koreano.

 

Nitong Marso 23, 2024, muling sinira ng Pilipinas ang pangako nito, nagpadala ng supply vessel at dalawang coast guard vessels para iligal na pumasok sa katabing tubig ng Ren’ai Jiao sa ngalan ng pagpapadala ng mga suplay ng pang-araw-araw na pangangailangan. 

 

Ani Lin, maliwanag ang posisyon ng Tsina sa misyon ng resupply ng Pilipinas sa Ren’ai Jiao na ito ay bahagi ng Nansha Qundao ng Tsina at ito ay palagiang teritoryo ng Tsina.

 

Sinabi ni Lin, na ang totoo ay nagpapadala ang Pilipinas ng mga konstruksyong materyales sa halip na pang-araw-araw na pangangailangan para ayusin at patibayin ang iligal na nakasadsad na barkong pandigma.

 

Nilalayon nila na maglagay ng isang permanenteng outpost sa walang nakatirang bahura na pag-aari ng Tsina para permanenteng okupahin ang Ren’ai Jiao, na ito ay ilegal, dagdag ni Lin.

 

Sinabi din ni Lin na balikan ng Pilipinas ang sarili nitong mga salita, paulit-ulit na sinisira ang mga pangakong ginawa sa Tsina, at seryosong nilalabag ang Artikulo 5 ng Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea.

 

Aniya, bilang tugon sa sapilitang pagpasok ng mga sasakyang pandagat ng Pilipinas, isinagawa ng China Coast Guard ang kinakailangang mga hakbangin para sa pagpapatupad ng batas, at ang operasyon nila sa situwasyong ito ay makatwiran, ayon sa batas, propesyonal, mapagtimpi at walang kapintasan.

 

Sinabi ni Lin na hinihiling ng Tsina sa Pilipinas na agarang itigil ang pakiki-alam sa soberanya at karapatan ng Tsina at itigil ang paggawa ng mga probokasyon.

 

Kung ipagpapatuloy ng Pilipinas ang maling landas nito, isasagawa ng Tsina ang determinadong hakbangin para mapangalagaan ang soberanya ng teritoryo at mga karapatang pandagat at interes, dagdag pa niya.

 

Sinabi din ni Lin na ang kalayaan ng nabigasyon sa SCS ay hindi kailanman naging isang isyu. Mahigit 100,000 komersyal na sasakyang-dagat ang naglalayag sa mga tubig bawat taon, at wala sa kanila ang nakaranas ng pagharang.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil