Kaugnay ng magkasanib na pahayag ng espesyal na summit ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at Australya, inihayag, Marso 6, 2024 ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina, na matatag sa kabuuan ang kalagayan ng South China Sea.
Aniya, palagi at malinaw ang paninindigan ng Tsina sa karagatang ito, patuloy na magpupunyagi ang bansa para maayos na pangasiwaan at kontrolin ang mga alitan, sa pamamagitan ng diyalogo’t negosasyon kasama ang mga kaukulang bansa; komprehensibo’t mabisang ipapatupad, kasama ng mga bansang ASEAN ang Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea; aktibong pasulungin ang negosasyon ng Code of Conduct in the South China Sea; at magkakasamang ipagtatanggol ang kapayapaan at katatagan ng nasabing karagatan.
Salin: Vera
Pulido: Rhio
Tsina sa mga bansa sa labas ng rehiyon: huwag magsulsol ng kaguluhan sa South China Sea
Tsina, may di-mapapabulaanang soberanya sa Nansha Qundao na kinabibilangan ng Ren’ai Jiao
Walang umano’y “panliligalig” ng panig Tsino sa bapor na Pilipino — Tagapagsalitang Tsino
Isyu ng SCS, pangangasiwaan sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasanggunian – NPC