Pagpasok ng Marso ng taong ito, pinag-iibayo ng gobyerno ng Pilipinas ang probokasyon sa nakapaligid na rehiyong pandagat ng Ren’ai Jiao ng Nansha Qundao ng Tsina.
Ayon sa tagapag-analisa, may tatlong pakay ang Pilipinas sa likod ng madalas na panggugulo sa South China Sea.
Una, nais nitong dungisan ang imahe ng Tsina sa daigdig, sa pamamagitan ng sadfishing, para pasaganain ang ilegal nitong pag-angkin sa South China Sea.
Ika-2, nais nitong lumikha ng isyu sa South China Sea, para bigyang-katuwiran ang pakikialam ng Amerika sa mga suliraning panrehiyon.
Bilang kasama ng Amerika, malakas na binibigyang-daan ng Pilipinas ang presensya ng Amerika sa Asya-Pasipiko, at ang isyu ng South China Sea ay importanteng pokus. Nakikisabwatan ang Pilipinas sa Amerika at mga puwersa sa loob at labas ng rehiyon, para kubkubin ang Tsina, upang ipromote ang hegemonya ng Amerika.
Sa susunod na buwan, gaganpin sa Washington ang summit ng Amerika, Hapon at Pilipinas. Magiging pokus ng nasabing summit ang isyu ng South China Sea.
Layon ng madalas na probokasyon ng Pilipinas sa karagatang ito na lumikha ng mas maraming materyales sa pagpapalaki ng paksang may kinalaman sa South China Sea sa summit.
Maraming beses na inihayag ng ilang personaheng Pilipino na dapat isumite sa arbitrasyong pandaigdig ang pag-angkin ng Tsina ng soberanya sa South China Sea.
Ang kaukulang teritoryal na soberanya at karapata’t kapakanang pandagat ng Tsina ay nabuo at natiyak sa proseso ng mahabang kasaysayan.
Mayroon itong lubos na batayang historikal at pambatas, at angkop sa mga pandaigdigang batas na gaya ng Karta ng United Nations (UN) at UN Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
Ang teritoryo naman ng Pilipinas ay tiniyak ng isang serye ng mga kombensyong pandaigdig, at hindi kailaman nabibilang dito ang anumang pulo’t isla sa Nansha Qundao.
Ang sunud-sunod na ilegal na pagpasok ng mga bapor na Pilipino sa nasabing rehiyong pandagat ay malubhang lumapastangan sa teritoryal na soberanya at karapata’t kapakanang pandagat ng Tsina.
Ano ang ibubunga ng alyansa ng Pilipinas at Amerika sa rehiyon? Katatagan ba o kaligaligan?
Katotohanan ang makakasagot nito!
Salin: Vera
Pulido: Rhio
Tsina sa Pilipinas: probokasyon, itigil upang hindi masira ang kapayapaan at katatagan sa SCS
Embahador ng Pilipinas sa Tsina, pinatawag ng Ministring Panlabas ng Tsina
Sinabi ni Antony Blinken sa SCS, kinondena ng Embahadang Tsino sa Pilipinas
Tsina sa Timog Korea: huwag sundin ang ibang panig sa pagpapalaki ng isyu ng South China Sea