Peng Liyuan, nakipagtagpo sa mga kinatawang guro’t estudyante ng Chinese Choir of the Burg Gymnasium

2024-03-29 16:07:29  CMG
Share with:

Nakipagtagpo hapon ng Marso 28, 2024, sa Beijing, si Peng Liyuan, asawa ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, sa mga kinatawang guro’t estudyante ng Chinese Choir of the Burg Gymnasium na bumisita sa Tsina.

 

Nakipagtagpo si Peng Liyuan, asawa ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, sa mga kinatawang guro’t estudyante ng Chinese Choir of the Burg Gymnasium (photo from Xinhua)


Ipinaabot ni Peng ang mainit na pagtanggap sa muling pagbisita sa Tsina ng Chinese Choir of the Burg Gymnasium, na tuluy-tuloy na nagpapadala  ng pagkakaibigan sa pamamagitan ng pag-awit sa loob ng 10 taon at gumagawa ng maraming tagumpay, kung saan nagpahayag si Peng ng kanyang pagbati.

 

Umaasa siyang ang mga estudyante ng koro ay magiging sugo ng pagkakaibigan ng Tsina at Alemanya sa bagong henerasyon.

 

Pinasalamatan naman ni Olaf Millmann, Presidente ng choir association, si Peng Liyuan para sa kanyang palagiang suporta sa koro. Ipinahayag niyang patuloy silang aktibong bubuo ng tulay ng komunikasyon sa  pamamagitan ng musika at wikang Tsino at patuloy na pabubutihin ang pagkaunawaan at pagkakaibigan ng mga kabataang Aleman at Tsino.

 

Ang Chinese Choir of the Burg Gymnasium ay isang non-profit public welfare organization, na nagsasagawa ng mga aktibidad ng pag-awit at pagtuturo ng wikang Tsino para sa mga batang Aleman. Nilalayon nitong pasulungin ang pagpapalitang tao-sa-tao sa pagitan ng Tsina at Alemanya, at aktibong nakatuon sa pagpapabuti ng pagkakaibigan ng dalawang bansa sa larangan ng wika at kultura.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil