Xi Jinping, iniutos ang pagpapataas ng dalawang opisyal na militar sa ranggo ng heneral

2024-03-29 15:05:57  CMG
Share with:

Ginawaran kahapon, Marso 28, 2024 ni Xi Jinping, Pangulong Tsino at Tagapangulo ng Central Military Commission (CMC), ng sertipikasyon ang dalawang opisyal na militar para pataasin ang kanilang ranggo bilang heneral.


Ang naturang dalawang heneral ay sina Wang Renhua, Kalihim ng Commission for Political and Legal Affairs of the CMC, at Xiao Tianliang, Presidente ng University of National Defense.


Binati ni Xi ang dalawang bagong heneral.


Ang heneral ay pinakamataas na ranggo sa kasalukuyang sistema ng mga opisiyal na militar ng Tsina.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil