Bumisita mula Nobyembre 26, hanggang 27, 2023, si Ding Xuexiang, Pangalawang Premiyer ng Konseho ng Estado ng Tsina, sa Kazakhstan at magkakahiwalay na nakipagtagpo kina Kassym-Jomart Tokayev, Presidente ng Kazakhstan at Alikhan Smailov, Punong Ministro ng Kazakhstan.
Sina Ding Xuexiang, Pangalawang Premiyer ng Konseho ng Estado ng Tsina at Kassym-Jomart Tokayev, Presidente ng Kazakhstan (photo from Xinhua)
Sina Ding Xuexiang, Pangalawang Premiyer ng Konseho ng Estado ng Tsina at Alikhan Smailov, Punong Ministro ng Kazakhstan (photo from Xinhua)
Sa kanyang pakikipagtagpo kay Pangulong Tokayev, ipinahayag ni Ding na ang pagtutulungan ng Tsina at Kazakhstan ay may matibay na pundasyon, malaking potensiyal at malawak na prospek.
Nakahanda ang Tsina na patibayin, kasama ng Kazakhstan, ang pundasyon ng pagtitiwalaan ng dalawang bansa sa isa’t isa, palakasin ang pagkakahanay ng mga estratehiya ng pag-unlad, pabutihin ang koordinasyon ng mga patakaran, palawakin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, at tulungan ang isa’t isa na isakatuparan ang target ng pag-unlad.
Ipinahayag naman ni Tokayev na ang Kazakhstan at Tsina ay modelo ng mapagkaibigang kooperasyon sa pagitan ng mga bansa. Malugod na tinatanggap ng Kazakhstan ang mga kompanyang Tsino na mamumuhunan sa bansa.
Nakahanda ang Kazakhstan na magsikap, kasama ng Tsina, para palalimin ang aktuwal na kooperasyon sa iba’t ibang larangan, buong tatag na labanan ang “tatlong puwersa”, paigtingin ang pagpapalitang kultural at lokal na kooperasyon, at pasulungin ang walang humpay na permanentang komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina at Kazakhstan para makamit ang mga bagong resulta.
Magkakasamang pinanguluhan Nobyembre 27, 2023, nina Ding at Unang Deputy Prime Minister Roman Sklyar ng Kazakhstan ang Ika-11 Pulong ng Komite ng Kooperasyon ng Tsina at Kazakhstan.
Pagkatapos ng pulong, nilagdaan ng dalawang panig ang mga dokumento.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil